Peddlr User Story: Pagmonitor ng Food Business gamit ang Peddlr POS App

Published: Nov 16, 2023

Ikaw ba ay isa ring may-ari ng small food business na nahihirapang mag-manage ng mga orders, bantayan ang stock ng produkto, at mag-monitor ng mga benta at mga gastusin?

Alamin ang kuwento ni Jay, isa sa owner ng Silog Ni Kuya Jay, at kung paano nakatulong ang Peddlr POS app para sa kanilang munting negosyo.

Ipakilala ang inyong sarili at ang inyong negosyo: 

Magandang araw sa inyong lahat! Ako si Jayson, isa sa may-ari ng Silog Ni Kuya Jay. Sinimulan namin ng asawa ko na mag tayo ng food business nung March 1,2023 dito sa aming bahay at kaming dalawa pa lamang ang nagma-manage ng aming small business.  

Dito sa Silog Ni Kuya Jay, hindi lamang silog ang nasa menu namin. Meron din kaming shawarma, burger, fries, fresh drinks, coffee at iba pa. 


Mga sample menu ng Silog Ni Kuya Jay


Paano ninyo nalaman ang Peddlr? 

Una nakita ko lang sya sa Fb ads na super friendly user daw nitong Peddlr app dahil napakalaking tulong ang nagagawa nito sa mga nag nenegosyo. Then one time, nagkaroon kami ng free time. Dumaretso ako sa Peddlr Facebook upang i-verify at malaman kung paano sya gamitin. Nung desidido na kaming gamitin ang Peddlr, nanoood na kami sa Peddlr Youtube upang aralin namin ito. 

 
Ano ang experience ninyo sa pag-gamit ng Peddlr? 

Nung una, parang hindi ko alam kung paano gamitin ang Peddlr app, pero nang mahasa namin ito, sobrang laking tulong nito sa pag-save ng oras. Mas konting usapan na lang ang kinakailangan dahil sa online store na lang nag-oorder ang aming mga customer, at i-dedeliver na lang namin sa kanila. 




At sa Peddlr customer support, hindi ako nag-alala dahil very accountable talaga sila sumasagot sa mga nagiging concerns ko. Laging may sagot sa mga tanong ko, at madalas ako nagtatanong sa kanilang Facebook page gamit ang aking personal account. 

       Read our guide on How to Start Online Store with Peddlr

 

Paano nakatulong ang Peddlr sa inyong negosyo? 

Nag try muna kami ng ilang mga products at nung nasubukan na namin, grabe yung feeling na super nakatulong ito sa aming food business.  

Lahat ng sales at transactions sa Silog ni Kuya Jay ay namomonitor nanamin. 

Sales: Araw-araw namin itong na-mo-monitor. 

Products: Nasusubaybayan namin ang aming stocks nang maayos. 

Cash Ledger: Alam namin ang actual na cash namin on hand, sa Gcash, at Maya. 

Credit Ledger: Dito namin inilalagay ang mga hindi pa nagbabayad, at ang galing ng apps na ito dahil nagpapadala ito ng SMS sa aming mga customer para ma-update sila sa kanilang mga unpaid bills. 

Payment Ledger: Ito ay para sa pag-re-record ng mga bayad na utang upang kami ay ma-notify at talagang naturuan kaming maging responsible. 

Expenses: Lahat ng aming gastusin ay dito inirerecord. 

Reports: Makikita namin ang kabuuang kalagayan ng aming negosyo. Nalalaman namin kung maganda o mahina ang aming kita. 

Hindi lang ito ang benepisyo ng Peddlr Apps, dahil may kasamang E- Products na makakatulong sa amin sa paglo-load. Noon, GCash ang ginagamit namin, pero nang lumabas ito, agad kaming nag-top up. Maliban dito, may rebate pa! Dagdag kita talaga. 


Konklusyon: 

Ito ang aking experience sa paggamit ng Peddlr POS mobile app. Maraming salamat sa mga gumawa nito, at sa mga sumusuporta. Laking tulong talaga ang nabigay ng Peddlr app sa aming food business. Kahit mga kaibigan kong may mga small businesses ay nirecommend ko ang Peddlr dahil alam kong makakatulong ito sa kanila. Kaya kung negosyante ka at naghahanap ka ng libreng POS system, i-try mo na ang Peddlr. 


Ano ang Peddlr? 

Ang Peddlr ay isang mobile application para sa mga business owners, malaki o maliit man ang negosyo. Libre i-download, libre gamitin, at gumagana kahit walang internet. Nakakatulong sa pag-manage at pag-track ng business performance ang mga features ng Peddlr. Narito ang ilan sa mga kapaki-pakinabang na mga features na maaari mong ma-access sa Peddlr app: 

  • FREE Point-of-sale system (POS) or a mobile cashier system.
  • FREE Credit Reminder β€“ send SMS to your customers for free to collect credit/"utang" easily. 
  • FREE Inventory Manager/Tracker.
  • Loading and Bills Payment Services β€“ enjoy rebates and cashback. 

A black and white sign with white text 
Description automatically generatedA black background with a black square 
Description automatically generatedA black and white sign with white text 
Description automatically generated