Magbenta ng Load Kahit Walang Internet Connection
Published: Nov 13, 2024
Masayang ipinaaabot namin sa inyo na maaari na kayong magpadala ng load sa inyong mga customer kahit walang internet o mobile data!
Ang pagbebenta ng load offline with Peddlr ay pareho pa din ang proseso. Kami na ang bahala sa pag proseso ng iyong load transactions. Ang layunin namin ay gawing mas madali ang iyong karanasan sa paggamit ng Peddlr app, anuman ang sitwasyon ng inyong Internet connection.
Sa Peddlr offline e-load, mas mapapalago pa ang iyong negosyo at siguradong maaasikaso ang pangangailangan ng iyong mga suki kahit kailan at saan man!
Mga Offline na E-Loading Service Provider para sa Iyong Negosyo
Kung naghahanap ka ng mga e-loading service provider na maaaring gamitin offline, narito ang ilang opsyon na maaari mong isaalang-alang. Bagaman may kanya-kanyang serbisyo ang bawat isa, ang Peddlr ay nagbibigay ng mas maraming flexibility at opsyon sa mga negosyo na naghahanap ng mas makabago at madaling gamiting sistema para sa e-loading:
LoadManna
Nagbibigay ang LoadManna ng serbisyo kung saan maaari kang mag-load at magbayad ng bills kahit walang internet connection. Sa pamamagitan ng kanilang app, posible ang mga transaksyon sa SMS, na angkop sa mga lugar na may limitadong internet access.
Loademy
Ang Loademy ay isang service aggregator na nag-aalok ng one-stop solution para sa mga pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng mobile load, internet, at iba pa. Sa kanilang multi-tiered membership role, maaari kang magbenta ng load kahit offline.
LoadCentral
Ang LoadCentral ay isang provider ng iba't ibang prepaid load para sa mga mobile companies sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng SMS-based system, maaaring magbenta ang mga retailer ng prepaid load kahit walang internet. Sa kasamaang palad, kamakailan lamang ay inihayag na closing na ang LoadCentral. Nagpahayag sila ng cessation ng kanilang operasyon.
Read the news about the Permanent Cessation of RMS Reloads (Philippines) Inc.
Visit LoadCentral official website to know more, https://loadcentral.com.ph/.
Peddlr
Ang Peddlr ay nagbibigay ng flexibility na hinahanap ng mga sari-sari store at maliliit na negosyo, hindi lang sa e-loading, kundi pati na rin sa isang streamlined at mobile na solusyon sa manage ng benta at koleksyon ng bayad. Sa Peddlr, pwedeng mag-transact online o offline, kaya’t laging ready ang negosyo mo kahit saan. Sa e-loading nito, may dagdag na kita at convenience pa dahil mabilis ang pagproseso at may bonus pa sa bawat benta ng load. Ito ang perfect replacement para sa mga LoadCentral users na gusto ng mas mabilis, mas madali, at mas kapaki-pakinabang na e-loading app.
Paano makatutulong sa inyong Negosyo ang Peddlr E-load Offline?
Walang-hintong Pagbebenta Kahit Kailan, Kahit Saan
Sa Peddlr, nauunawaan namin ang mga hamon na kinakaharap ng mga micro, small at medium na negosyo dahil sa mahinang koneksyon ng internet. Sa e-load offline update na ito, tinatanggal namin ang abalang dulot ng pag depende sa internet. Tiyak na maaari mo na ipadala ang mga load sa inyong mga suki nang mabilis.
Kahit may problema sa internet, magagawa pa rin ninyong magbenta ng e-loads nang may kumpiyansa.
Pagpapalawak ng Saklaw ng Inyong Customer
Ang kakayahan na magbenta ng e-loads nang offline ay nagbubukas ng maraming oportunidad para sa inyong negosyo.
Ngayon, mas mapapalawak ninyo ang inyong negosyo sa mga customer na nasa lugar na may limitadong access sa internet. Sa aming offline update, mas mabilis na and iyong e-loading transactions at mas marami pa kayong mabebentang load para sa mga customer.
Mas Lamang kayo sa Kompetisyon
Sa teknolohiya ngayon, mahalagang manatiling updated kumpara sa ating mga kompetisyon. Sa pinakabagong update ng aming app, mayroon kayong bentahe laban sa ibang negosyo na nagbebenta lamang ng load online.
Ang paggamit ng teknolohiyang tumutugon sa pangangailangan ng inyong mga suki ay nagpapakita na ang inyong negosyo ay mas mapagkakatiwalaan.
Karaniwang Tanong Tungkol sa Peddlr Sell Eload
Paano malalaman na naproseso ang aking mga load?
Naiintindihan namin ang kahalagahan ng mga real-time na update. Kaya sa tuwing magkakaroon ka ng load transactions, makakatanggap ka ng isang SMS notification na magsasabi kung ang pagload mo ay pumasok o hindi.
Makikita ko pa din ba ang mga offline load transactions ko?
Sa mga load transactions na ginawa mo offline, tinitiyak ng Peddlr na ito ay hindi mawawala. Kapag naka connect ka na ulit internet, ang app ay automatikong mag-sisynchronize sa iyong mga offline transactions. Madali mong ma-check at ma-track ang lahat ng iyong transaction history, kahit na ginawa mo ito online o offline.
Ano ang dapat kong i-expect kung gumagamit ako ng sell e-load offline?
Makakatanggap ka ng isang automated text message mula sa numero na: 225651414 kapag gumagamit ng nagbebenta ng load offline. Ang mensahe na ito ay ligtas at libre, ngunit hindi mo maaaring tawagan o i-text ang numero.
Tignan pa ang iba mga katanungan tungkol sa E-load offline - Peddlr FAQ
Conclusion
Sa kakayahan na magbenta ng e-load nang walang internet, mas marami kayong maaabot na mga customer at masisiguradong tuloy tuloy ang inyong kita. Manatiling updated kaysa sa inyong mga kompetisyon at siguradong mas lalago ang inyong negosyo.
At sa Peddlr, importante sa amin na mabigyan namin kayo ng makabagong solusyon at mas mapadali ang inyong mga transaksyon sa inyong mga suki!
Ano ang Peddlr?
Ang Peddlr ay isang mobile application para sa mga business owners, malaki o maliit man ang negosyo. Libre i-download, libre gamitin, at gumagana kahit walang internet. Nakakatulong sa pag-manage at pag-track ng business performance ang mga features ng Peddlr. Narito ang ilan sa mga kapaki-pakinabang na mga features na maaari mong ma-access sa Peddlr app:
FREE Point-of-sale system (POS) or a mobile cashier system
FREE Digital Wallet System - Enjoy cashless payment collection with kankolek QR PH
FREE Credit Reminder – send SMS to your customers for free to collect credit/debts easily
FREE Inventory Manager/Tracker - take control of your product inventory
Eloading and Bills Payment Services – enjoy rebates and cashback