Peddlr Update: Magbenta ng E-load Kahit Walang Internet Connection!

Published: Sep 1, 2023

Masayang ipinaaabot namin sa inyo na maaari na kayong magpadala ng load sa inyong mga customer kahit walang internet o mobile data! 

Ang pagbebenta ng eload offline with Peddlr ay pareho pa din ang proseso. Kami na ang bahala sa pag proseso ng iyong eload transactions. Ang layunin namin ay gawing mas madali ang iyong karanasan sa paggamit ng Peddlr app, anuman ang sitwasyon ng inyong Internet connection. 

Sa Peddlr offline e-load, mas mapapalago pa ang iyong negosyo at siguradong maaasikaso ang pangangailangan ng iyong mga suki kahit kailan at saanman! 

 

Paano makatutulong sa inyong Negosyo ang Peddlr E-load Offline? 

Walang-hintong Pagbebenta Kahit Kailan, Kahit Saan 

Sa Peddlr, nauunawaan namin ang mga hamon na kinakaharap ng mga micro, small at medium na negosyo dahil sa mahinang koneksyon ng internet.  Sa e-load offline update na ito, tinatanggal namin ang abalang dulot ng pag depende sa internet. Tiyak na maaari mo na ipadala ang mga load sa inyong mga suki nang mabilis. 

Kahit may problema sa internet, magagawa pa rin ninyong magbenta ng e-loads nang may kumpiyansa. 

Pagpapalawak ng Saklaw ng Inyong Customer 

Ang kakayahan na magbenta ng e-loads nang offline ay nagbubukas ng maraming oportunidad para sa inyong negosyo. 

Ngayon, mas mapapalawak ninyo ang inyong negosyo sa mga customer na nasa lugar na may limitadong access sa internet. Sa aming offline update, mas mabilis na and iyong e-loading transactions at mas marami pa kayong mabebentang load para sa mga customer. 

Mas Lamang kayo sa Kompetisyon 

Sa teknolohiya ngayon, mahalagang manatiling updated kumpara sa ating mga kompetisyon. Sa pinakabagong update ng aming app, mayroon kayong bentahe laban sa ibang negosyo na nagbebenta lamang ng load online. 

Ang paggamit ng teknolohiyang tumutugon sa pangangailangan ng inyong mga suki ay nagpapakita na ang inyong negosyo ay mas mapagkakatiwalaan. 

 

Karaniwang Tanong Tungkol sa Peddlr E-load 

Paano malalaman na naproseso ang aking mga e-load? 

Naiintindihan namin ang kahalagahan ng mga real-time na update. Kaya sa tuwing magkakaroon ka ng e-load transactions, makakatanggap ka ng isang SMS notification na magsasabi kung ang pagload mo ay pumasok o hindi. 

Makikita ko pa din ba ang mga offline e-load transactions ko? 

Sa mga eload transactions na ginawa mo offline, tinitiyak ng Peddlr na ito ay hindi mawawala. Kapag naka connect ka na ulit internet, ang app ay automatikong mag-sisynchronize sa iyong mga offline transactions. Madali mong ma-check at ma-track ang lahat ng iyong transaction history, kahit na ginawa mo ito online o offline. 

Ano ang dapat kong i-expect kung gumagamit ako ng sell e-load offline? 

Makakatanggap ka ng isang automated text message mula sa numero na: 225651414 kapag gumagamit ng nagbebenta ng eload offline. Ang mensahe na ito ay ligtas at libre, ngunit hindi mo maaaring tawagan o i-text ang numero. 

Tignan pa ang iba mga katanungan tungkol sa E-load offline - Peddlr FAQ

 

Conclusion 

Sa kakayahan na magbenta ng e-load nang walang internet, mas marami kayong maaabot na mga customer at masisiguradong tuloy tuloy ang inyong kita. Manatiling updated kaysa sa inyong mga kompetisyon at siguradong mas lalago ang inyong negosyo. 

At sa Peddlr, importante sa amin na mabigyan namin kayo ng makabagong solusyon at mas mapadali ang inyong mga transaksyon sa inyong mga suki! 


Ano ang Peddlr? 

Ang Peddlr ay isang mobile application para sa mga business owners, malaki o maliit man ang negosyo. Libre i-download, libre gamitin, at gumagana kahit walang internet. Nakakatulong sa pag-manage at pag-track ng business performance ang mga features ng Peddlr. Narito ang ilan sa mga kapaki-pakinabang na mga features na maaari mong ma-access sa Peddlr app: 

  • FREE Point-of-sale system (POS) or a mobile cashier system 
  • FREE Credit Reminder β€“ send SMS to your customers for free to collect credit/"utang" easily 
  • FREE Inventory Manager/Tracker 
  • Loading and Bills Payment Services β€“ enjoy rebates and cashback 

A black and white sign with white text 
Description automatically generatedA black background with a black square 
Description automatically generatedA black and white sign with white text 
Description automatically generated