E-Renta: Dagdagan ang Kita sa Pagpaparenta

Published: Oct 30, 2023

Madalas na kinakaharap ng mga may-ari ng mga small businesses ang hamon ng paghahanap ng karagdagang kita gamit ang kanilang limitadong kagamitan o budget.  

Ang mga gastusin, tulad ng renta ng kanilang tindahan, utility bills, pagpapasweldo sa mga empleyado, at iba pang bayarin sa bahay ay maaaring magdulot ng malalaking problema sa kanilang pondo. Kung minsan ay nalulugi na sila at napipilitang isara na ang kanilang mga negosyo.  

Kaya naman marami ding mga small business owners ang naghahanap ng mga bagong paraan upang mapalago pa ang kanilang mga kita. 

Sa Peddlr, nauunawaan namin ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga maliliit na tindahan, at ito'y dahilan kung bakit kami labis na nasasabik na ipakilala ang aming bagong feature, ang e-Renta.  

Sa e-Renta, maaari mong pagkakitaan ang iyong tindahan sa pamamagitan ng pagpapa-renta nito para gawing ad placements.  


Ano ang Ad Placement? 

Ang Ad placement ay isang traditional advertisement kung saan pwedeng ilagay o i-display ng mga brands ang kanilang advertisements o pampromosyong materyal sa isang billboard, newspaper, posters at kahit sa mga tindahan. 

Ito ay para mas mapansin at makita ng mga mamimili habang sila'y nagsusuri o nabili sa tindahan. Isang paraan ito para magbigay diin sa mga produkto o serbisyo na inaalok sa tindahan para mas maengganyong  bumili o subukan ito ng mga tao. 


Benepisyo ng e-Renta sa iyong Tindahan 

1. Karagdagang Kita:  

Isa sa mga pinakamahalagang benepisyo ng e-renta ay ito'y nagbibigay-daan sa iyo na magkaroon ng karagdagang pera. Maari kang kumita ng 115 to 400 pesos kada buwan depende sa espasyo ng iyong tindahan na gusto mong gawing ad placement.  

Ang karagdagang kita na ito ay makakatulong sa iyo na mapanatili ang mga gastos sa pagpapatakbo ng iyong tindahan, mag-invest muli sa iyong negosyo, o mas magkaruon pa ng mas malaking savings. 

2. Karagdagang exposure sa iyong tindahan:  

Sa pamamagitan ng pagpaparenta ng iyong tindahan para sa ad placement, tataas ang exposure ng iyong negosyo dahil mas maraming tao ang maengganyong tumingin sa iyong tindahan. Pati mga buyers ng mga nagpalagay ng advertisement sa iyo ay pwedeng maging iyong suki at potensyal na makakatulong sa pagtaas pa ng iyong mga benta. 

3. Libre at madaling gamitin:  

Simple lamang ang proseso ng pag-rehistro ng iyong tindahan sa e-renta. Kailangan mo lang ng Peddlr account at pwede mo na i-setup ang iyong tindahan para mailista na pang ad placements.  

Hindi mo na kailangan mamoblema sa paghahanap ng mga uupa dahil ang mga advertisers o brands na mismo ang ang maghahanap at mamimili. Sobrang hassle-free ito para sa iyo. 


Paano sumali sa e-Renta? 

Kung ikaw ay may sari-sari store, grocery, pharmacy store, karinderya, o kahit coffee shop at gusto mo itong ipa-renta, pwede nang register gamit ang Peddlr. 

Makikita mo agad ang e-Renta feature pagpunta mo sa e-Product. Pwede mo nang ipalista ang tindahan mo pang ad placement para sa mga brands o advertisers.  

Kapag naset-up mo na ang iyong store sa e-renta, madidisplay ito sa aming Kanto Ads website. 

  1. Kung wala ka pang Peddlr app, kailangan mo munang I-download at mag create ng account. 

  1. Pindutin ang Earn now!: 


  2. Pindutin ang β€œSubukan ang e-Renta" button: 


  3. Pindutin ang β€œI-set-up ang store" button: 


  4. Basahin muna maigi ang impormasyon bago pindutin ang β€œStart Setup Store” 


  5. Pindutin ang β€œContinue” button 


  6. Pindutin  WHILE USING THE APP 


  7. Next ay ilalagay mo na lahat ng iyong store details para paniguradong malilista ang iyong tindahan. 


Para sa mas detalyadong guide, pwede mong puntahan ang aming e-Renta user guide. 
 
At kung may karagdagang katanungan ka, pwede kang pumunta sa aming FAQ o mag-join sa aming FB community para ma-assist ka ng aming customer service. 


Ready ka na ba mag pa-renta? 

Ang E-renta ay isang bagong feature ng Peddlr app na puwedeng mag-upload at ilista ang iyong tindahan para ma-rentahan sa mga iba’t ibang brands at kumpanya na nais maglagay ng mga pisikal na advertisements/marketing collaterals. 

Makakatulong ito sa iyo na magkaruon ng karagdagang kita at mas makilala sa lokal na kalakaran ng negosyo.  

Kung gusto mo iparenta ang iyong tindahan pang ad placement, gumawa lang ng Peddlr account at I-register ang iyong tindahan sa e-Renta. Sobrang simple lang ng proseso at libre pa! 

Sa pamamagitan ng pagpaparenta ng iyong tindahan para sa ad placement, hindi lamang ito nakakatulong sa karagdagang kita, kundi nakakatulong ka rin sa pag-usbong ng iyong komunidad.  

Kaya sumali na sa e-renta ngayon at buksan ang buong potensyal ng iyong tindahan gamit ang Peddlr. 

Ano ang Peddlr? 

Ang Peddlr ay isang mobile application para sa mga business owners, malaki o maliit man ang negosyo. Libre i-download, libre gamitin, at gumagana kahit walang internet. Nakakatulong sa pag-manage at pag-track ng business performance ang mga features ng Peddlr. Narito ang ilan sa mga kapaki-pakinabang na mga features na maaari mong ma-access sa Peddlr app:

  • FREE Point-of-sale system (POS) or a mobile cashier system
  • FREE Credit Reminder – send SMS to your customers for free to collect credit/”utang” easily
  • FREE Inventory Manager/Tracker
  • Loading and Bills Payment Services – enjoy rebates and cashback

 

A black and white sign with white text 
Description automatically generatedA black background with a black square 
Description automatically generatedA black and white sign with white text 
Description automatically generated