Bills Payment at E-load sa Peddlr App

Published: May 12, 2023

Available na ang Bills Payment service at iba pang mga enhancements sa Peddlr App! Mas pinaganda at mas kikita ka! 

4 na new features: Bills payment at iba pa 

  • Bills Payment ay isang service na kung saan puwede ka nang magbayad ng mga bills online sa gamit ang GCash, Maya, at bank account. 

  • Ang Sell Eload ay bahagi na ng E-Products, ang iyong one-stop-shop para sa lahat ng iyong mga pangangailangan sa ELoad at Bills Payment. 

  • Sa Free Data, di mo na kailangan pa ng Internet para gumamit ng mga E-Products (Eload and Bills Pay)! 

  • Pinaganda ang disenyo para mas mapadali at mas kasiya-siya ang pag-navigate mo sa Peddlr App! 

 

1. Bills Payment (under E-products) 

Ang Bill Payment ay isa sa mga bagong dagdag enhancements sa Peddlr app na siguradong magbibigay din sayo ng dagdag kita. Ginawa ang Bills Payment para mas mapadali ang pagbabayad mo ng bills dahil hindi mo na kailangan mag manu-mano at pumila pa nang matagal sa mga bayad centers para magbayad.  

Makakapagbayad sa iba't ibang billers katulad ng mga paboritong billers:

  • Telco (PLDT, Globe, Smart, etc.)
  • Utility (Tubig at Kuryente)
  • Cables at Internet (Cignal, Sky Cable, etc.)
  • Credit Card (BPI, Metrobank, RCBC, etc.)
  • Insurance at marami pang iba!

Para masimulan ang iyong Bills Payment negosyo, i-click lang ang E-Products na makikita sa main homepage ng Peddlr app. Pindutin ang E-Products > Bills Payment katulad ng nasa larawan sa baba.

2. Sell Eload is now E-Products

Ang bagong feature na E-Products ay isang one-stop-shop para sa lahat ng iyong mga pangangailangan sa ELoad at Bills payment. Mas user-friendly at ginawang mas convenient ang pag-access ng Sell Eload at Bills Payment sa E-Products, kung saan maaari kang magbenta ng mobile load, mga game pins, at magbayad ng mga bills lang ang isang app. Mas kasi-kasiya ito dahil hassle-free na ang iyong karanasan para sa lahat ng iyong mga pangangailangan!

Peddlr - Sell Eload and Bills Payment is now in one feature E-products

A pink rectangle with white text 
Description automatically generated
 

3. Free Data para sa Bills Payment at E-load

Gamit ang Free Data feature, maari mo nang ma-access at magamit ang E-Products kahit na wala kang mobile data subscription. Kung ikaw ay on-the-go, basta naka on lang ang mobile data mo at may maganda kang signal, hindi ito magiging problema dahil pwedeng-pwede mo pa ding magamit ang mga features ng E-Products! Kahit nasaang lupalop ka pa ng mundo, sagot ka ng Peddlr free data!

Peddlr Free Data - Use the Peddlr App without internet - Free Data para ma-access ang Eload at Bills Payment
 


4. Improved App Design

Pinaganda pa namin lalo ang experience mo sa pag gamit ng Peddlr App! Mas madali na ma-identify ang mga features sa isang tingin para mabawasan ang dami ng pag-scroll at pag-click para makuha mo agad ang kailangan mong information o makarating sa gusto mong app feature. Wala nang hassle sa paghahanap, Ka-Peddlr, lahat ay nandito na para sayo!


Peddlr improved UI/UX - Peddlr app new desiign
 

Nagustohan mo ba ang mga enhancements sa Peddlr App?

Umaasa kaming makakatulong sa inyong pag-nenegosyo ang mga bagong features na aming nilabas sa Peddlr App.

May na-experience ka bang problema habang ginagamit ang App? Huwag mahiyang humingi ng assistance sa aming customer servic team, o mag-post ng tanong sa ating Community Group sa Facebook.


Ano ang Peddlr?

Ang Peddlr ay isang mobile application para sa mga business owners, malaki o maliit man ang negosyo. Libre i-download, libre gamitin, at gumagana kahit walang internet. Nakakatulong sa pag-manage at pag-track ng business performance ang mga features ng Peddlr. Narito ang ilan sa mga kapaki-pakinabang na mga features na maaari mong ma-access sa Peddlr app:

  • FREE Point-of-sale system (POS) or a mobile cashier system
  • FREE Credit Reminder â€“ send SMS to your customers for free to collect credit/"utang" easily
  • FREE Inventory Manager/Tracker
  • Loading and Bills Payment Services – enjoy rebates and cashback

 

Small Business Peddlr Small Business Peddlr Small Business Peddlr