5 Proven Ways to Increase Your Sari-Sari Store Income in 2026

Published: Aug 4, 2026

Ang sari-sari store ay isa sa pinakasikat na negosyo ng mga Pilipino. Pero ngayon, hindi na sapat na maghintay ka lang ng bibili ng de-lata, toyo, o bawang. Kung gusto mong lumaki ang kita ng tindahan mo ngayong 2026, kailangan natin ng mas wais na diskarte!

Hindi mo kailangang maglabas ng malaking puhunan para dumami ang benta. Minsan, tamang sistema at pagdagdag lang ng mga mabentang serbisyo ang kailangan. Narito ang 5 simpleng paraan para kumita ng extra sa iyong sari-sari store ngayong taon.

1. Magbenta ng E-Load, Game Pins, Cable, at Streaming Promos

Araw-araw, kailangan ng mga tao ng load at mobile data para sa school o trabaho, at game pins para sa paborito nilang mobile games. Idagdag pa diyan ang mga suki na laging nanonood ng TV at mga pelikula! Kaya maganda kung hindi lang mga grocery items ang tinitinda mo.

  • Mababang Puhunan: Pwede kang magsimula sa PHP 1,000 na wallet fund.

  • Walang Expiration: Hindi napapanis o nasisira ang e-load at digital pins, hindi tulad ng pagkain.

  • Dalawang Paraan para Kumita: Bukod sa rebate na nakukuha mo bawat load, pwede ka ring magdagdag ng convenience fee o patong na PHP 2.00 hanggang PHP 5.00 sa bawat transaksyon.

Wais Tip: Gamit ang E-Products feature sa Peddlr App, isang wallet na lang ang kailangan mo para makapagbenta ng load at data promos sa lahat ng networks (Globe, Smart, DITO), pati na rin ng sikat na game pins tulad ng ML Diamonds at Roblox. Bukod pa rito, pwede ka ring magbenta ng cable load gaya ng Cignal, Satlite, at GSAT, at mga streaming subscriptions katulad ng VIU, VIVA ONE, at VIVAMAX!

2. Tumanggap ng Bayad via QR Code o Cashless

Halos lahat ngayon ay may e-wallet na gaya ng GCash o Maya. Kung "Cash Only" pa rin ang tindahan mo, baka nawawalan ka ng benta mula sa mga suki na walang dalang cash.

Paano Mag-setup ng Cashless Payments sa Peddlr:

  • I-download ang Peddlr App: Buksan ang app at pumunta sa iyong store dashboard.

  • I-activate ang Kankolek (QRPh): Sundin lang ang simpleng steps para ma-verify sa loob ng app.

  • I-print at I-display ang Iyong QR Code: Ilagay ang iyong Peddlr QR standee sa harap ng tindahan para makita agad ng mamimili.

  • Tumanggap ng Bayad mula sa Kahit Anong App: Pwedeng i-scan ng suki mo ang QR code gamit ang GCash, Maya, o bank apps, at diretso itong papasok sa iyong wallet balance.

3. Alamin ang Bestsellers at Bawasan ang Hindi Mabentang Paninda

Alam mo ba kung anong produkto ang nagbibigay sa iyo ng pinakamalaking kita linggo-linggo? Ang isa sa pagkakamali ng mga tindahan ay ang pagpuno ng istante ng mga produktong hindi naman mabilis mabenta, habang nauubusan naman ng stock sa mga mabilis maubos (bestsellers).

  • I-record ang lahat ng benta: Sa halip na manghula, gumamit ng libreng POS app tulad ng Peddlr para makita agad kung aling items ang mabilis mabenta.

  • I-focus ang puhunan: Gamitin ang libreng Accounting Reports sa app para malaman kung anong produkto ang dapat mong laging i-restock.

4. Ayusin ang Paglista ng mga Pautang

Ang pagpapautang sa tindahan ay normal na para mapanatili ang mga suki. Pero kung hindi ito nakalista nang maayos, madalas itong ikalugi ng sari-sari store!

  • Iwasan na ang manual na paglilista sa notebook: Lumipat sa digital na listahan para hindi nawawala o napupunit ang listahan ng mga utang.

  • Maglagay ng limitasyon sa mga umu-utang: Huwag nang pautangin ulit kung hindi pa bayad ang mga may utang.

  • Gamitin ang Credit Ledger ng Peddlr: Dito, madali mong makikita ang balanse ng bawat suki at pwede ka pang magpadala ng SMS reminders para maningil nang maayos at walang away.

5. Alagaan ang mga Suki Gamit ang Mabilis na Serbisyo

Ang suki ang buhay ng negosyo mo. Mas babalik ang mga mamimili sa tindahang mabilis kausap, tama ang sukli, at laging may stock ng kailangan nila.

  • Magkaroon ng malinaw na presyo: Lagyan ng price tag o gumamit ng barcode scanner sa Peddlr app para mabilis ang pag-compute ng benta.

  • I-alok ang ibang serbisyo: Kapag bumili sila ng bigas o kape, tanungin mo na rin kung kailangan nila ng load o kung gusto nilang magbayad via QR code—mas masaya na ang suki mo, mas malaki pa ang benta mo sa kanila!

Frequently Asked Questions (FAQs)

1. Mahirap bang gamitin ang digital inventory app tulad ng Peddlr?

Pwede kang magsimula sa halagang PHP 1,000 na wallet fund. Sapat na ito para makabenta ng regular load, data promos, at game pins sa iyong mga suki.

2. Kailangan ba ng internet para magamit ang inventory features ng Peddlr?

Hindi! Ang Peddlr app ay may "Works Offline, Syncs Online" feature. Pwede mong i-record ang iyong benta, i-check ang inventory, at ilista ang pautang kahit walang internet o data. Mag-a-update lang ang records mo kapag nagka-internet ka na ulit.

3. May bayad ba ang paggamit ng Peddlr app?

Libre ang pag-download at paggamit ng Peddlr POS system! Walang babayaran buwan-buwan para magamit ang basic inventory, POS, accounting reports, at listahan ng pautang (credit ledger).